WATCH: Bikoy balik na sa kostudiya ng PNP

Hawak na muli ng Philippine National Police (PNP) si alyas Bikoy o Peter Joemel Advincula.

Ayon kay PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Amador Corpus, si Advincula ay nagtungo sa PNP noong Lunes, May 27 kasama ang kaniyang abugado,

Hiniling umano ni Advincula na mapasailalim siya sa protective custody ng PNP.

Sinabi ni Corpus na iniimbestigahan ngayon ng PNP ang mga salaysay ni Bikoy kabilang ang kaniyang mga inilantad noong humarap siya sa press briefing sa Camp Crame.

Patuloy pa din ang threat assessment ng PNP kay Bikoy at isinasailalim sa validation ang alegasyon niyang mayroong banta sa kaniyang buhay.

Sa ngayon, hawak ng anti-cyber crime group ng PNP ang cellphone ni Bikoy at sasailaim ito sa pagsusuri.

Read more...