WATCH: Pagbubukas ng klase naging payapa sa pangkalahatan – PNP
Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagbubukas ng klase sa buong bansa ayon sa Philippine National Police (PNP)
Sinabi ni PNP chief, Police General Oscar Albayalde na walang anumang untoward incidents na naitala sa pagbubukas ng klase kung saan aabot sa halos 28 milyong mag-aaral ang nagbalik-eskwela.
Aabot sa 149,484 na mga pulis kasama na ang mga barangay tanod ang ipinakalat sa iba’t ibang panig ng bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito, umapela ang PNP sa publiko lalo na sa mga magulang na maging alerto laban sa mga posibleng manamantala sa pagdagsa ng mga mag-aaral sa mga eskwelahan.
Marami naman aniyang pulis na nakatalaga sa palibot ng mga paraalan kaya sinabi ni Albayalde na hindi dapat magdalawang-isip ang publiko na magsumbong sakaling may makitang kahina-hinalang tao o bagay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.