LOOK: Pagbubukas ng klase sa Signal Village National HS sa Taguig pinangunahan ni Sec. Briones

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2019 - 07:59 AM

Nagtungo sa Signal Village National High School sa Taguig City si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa unang araw ng pagbubukas ng klase.

Kasama ni Briones na nanguna sa pagbubukas ng klase sa nasabing paaralan sina Education Undersecretaries Annalyn Sevilla, Jesus Mateo, Nepomuceno Malaluan, at Assistant Secretary G.H. Ambat.

Pinangunahan ng mga opisyal ng DepEd ang flag raising ceremony sa paaralan.

Sa kaniyang mensahe para sa opening ng klase ngayong araw, sinabi ni Briones na bukas ang command centers ng DepEd sa buong bansa para magserbisyo sa lahat ng magulang, guro at mag-aaral upang matiyak ang maayos na pagbubukas ng klase.

Aminado si Briones na nananatiling hamon ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral.

Bilang tugon, tuloy aniya ang pag-aaral ng DepEd sa kasalukuyang curriculum at pagbuo ng mga learning resources, kasama na ang pagdagdag ng mga guro.

Tuluy-tuloy din aniya ang pagsasaayos sa pasilidad sa mga paaralan sa bansa at partikular na titiyakin ang pagiging matibay ng mga ito sa mga bagyo at lindol.

TAGS: balik eskwela, deped, Radyo Inquirer, school opening, signal village national high school, taguig, balik eskwela, deped, Radyo Inquirer, school opening, signal village national high school, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.