3 magkakahiwalay na pagyanig naitala sa Mindanao

Tatlong lindol ang yumanig sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao Lunes ng madaling araw (June 3).

Ayon sa Phivolcs, ala-1:40 nang maitala ang isang magnitude 3.9 na lindol sa layong 199 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

May lalim itong 25 kilometro.

Magnitude 3.9 na lindol din ang yumanig sa layo namang 150 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim naman itong pitong kilometro.

Alas-3:03 naman naitala ang magnitude 3.3 na lindol sa 52 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim naman itong 28 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ang dalawang lindol sa Davao Oriental ay aftershocks ng magnitude 6.2 na lindol na tumama sa katubigang sakop ng lalawigan noong May 31.

Tectonic ang pinagmulan ng mga pagyanig at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.

Wala ring inaasahang aftershocks ayon sa Phivolcs.

Read more...