Pope Francis hiningi ang kapatawaran ng Roma ethnic group dahil sa naranasang diskriminasyon
Hiningi ni Pope Francis sa ngalan ng Simbahang Katolika ang kapatawaran ng Roma people dahil sa naranasan na pagmamalabas at diskriminasyon ng mga ito noong 19th Century.
Tinapos ng Santo Papa ang kanyang tatlong araw na apostolic visit sa Romania, araw ng Linggo sa pamamagitan ng pulong sa Roma Community.
“I ask forgiveness – in the name of the Church and of the Lord – and I ask forgiveness of you,” mensahe ni Pope Francis sa Roma people.
Ang mga Roma ay ethnic group na napadpad sa Europa mula sa northern India, 1,500 taon na ang nakalilipas.
Nakaranas ang mga ito ng pang-aapi at diskriminasyon sa Europa.
Tinarget pa ang Roma people noong Holocaust at ayon sa mga historyador, daan-daang libo ang nasawi mula sa ethnic minority.
Nanawagan ang lider ng Simbahang Katolika na pag-ibayuhin ang pakikipag-isa sa lipunan.
Anya ang Simbahang Katolika ay isang ‘place of encounter’ at may lugar ang lahat dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.