Blackwater wagi kontra Rain or Shine sa 2019 PBA Commissioner’s Cup

By Rhommel Balasbas June 03, 2019 - 02:31 AM

Back on track ang Blackwater makaraang pataubin ang Rain or Shine sa iskor na 98-92 sa kanilang laban sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center, Antipolo, araw ng Linggo.

Hindi hinayaan ng Elite na makabawi pa ang Elasto Painters sa huling isang minuto at 29 segundo makaraang maipasok ang 10 sa 12 attempts.

Pinangunahan ni Allein Maliksi ang Blackwater sa kanyang 19 points habang tig-16 points sina Ray Parks at Mike DiGregorio.

Tila bumawi ang koponan matapos matalo sa Phoenix Fuel Masters noong Biyernes at ngayon ay taglay ang win-loss record na 4-1.

Naniniwala si Blackwater coach Aris Dimaunahan na naglaro ang kanyang koponan bilang isang ‘team’ at nagkaroon sila ng mahusay na depensa.

Samantala, nanguna naman si Denzel Bowles ng Rain or Shine matapos magtala ng 27 points.

TAGS: 2019 PBA Commissioner's Cup, blackwater, Rain or Shine, 2019 PBA Commissioner's Cup, blackwater, Rain or Shine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.