Militar mas palalakasin ang opensiba vs. terrorist groups sa Sulu

By Rhommel Balasbas June 03, 2019 - 02:01 AM

Wala ng dahilan ang militar para hindi ituloy ang kanilang mga opensiba laban sa Abu Sayyaf Group sa Sulu ngayong wala nang hawak na sibilyan ang mga ito.

Sa isang panayam, sinabi ni Armed Forces’ Western Mindanao Command spokesperson Colonel Gerry Besana na paiigtingin na ang pagsugpo laban sa ASG.

Nilimitahan umano ang mga operasyon laban sa teroristang grupo dahil sa mga hawak nitong bihag.

Magugunitang napatay ng isa sa mga terorista ang Dutch photographer na si Ewold Horn na binihag taong 2012.

Ayon kay Besana, si Horn na ang huling banyaga na nabihag ng ASG.

Bilang bahagi ng opensiba, nakikipag-ugnayan na rin ang AFP sa mga militar ng Indonesia at Malaysia para tiyakin ang pagbabantay sa mga borders sa pagitan ng tatlong bansa.

Nasa higit 200 pa umano ang miyembro ng ASG sa Sulu ayon kay Besana.

TAGS: Abu Sayyaf Group (ASG), offensive military operations, Philippine Military, Abu Sayyaf Group (ASG), offensive military operations, Philippine Military

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.