7 preso tumakas sa istasyon ng pulis sa Antipolo City

By Rhommel Balasbas June 03, 2019 - 01:49 AM

Nakatakas sa Police Community Precinct 2 ng Antipolo City Police ang pitong preso Linggo ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Dominic Gabanez na may kasong carnapping; Benedict Belmonte, Murphy Sison at Russel Martinez na may mga kasong robbery; habang sina Adrian Demetrio, Angelo Roberto at Edward Magalo ay may kaso namang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakatakda sanang ilipat ang pito sa bagong piitan pero nakatakas ang mga ito.

Nilagari umano ng mga suspek ang iron bar ng kanilang detention cell sa precinct 2 kaya nakatakas.

Nahuli naman agad si Magalo dahil sa pakikipagtulungan ng mga kaanak.

Dahil sa insidente, agad na tinanggal sa pwesto ang duty jailer at PCP2 commander.

Patuloy na pinaghahanap ang anim pang pumuga na suspek.

TAGS: 7 suspek pumuga, antipolo city police, police report, 7 suspek pumuga, antipolo city police, police report

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.