Japanese diving instructor patay sa diving sa Cebu
Nasawi ang isang Japanese diving instructor na may-ari din ng isang dive shop sa Lapu-Lapu City matapos itong mag-dive sa Nalusuan Island, Linggo ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Takumi Shiraishi, 39 anyos na kasamang nagdive ang kanyang dive masters bandang alas-11:53 ng umaga.
Gayunman, bandang ala-1:00 ng hapon, nakita na lamang ng isang jet ski operator na palutang-lutang sa dagat ang katawan ni biktima.
Sinubukan pang iligtas si Shiraishi ngunit binawian din ng buhay nang maisugod sa ospital.
Ayon kay Heracleo Enzo, diver at empleyado ng biktima, sumabay mag-dive sa kanila ang kanyang amo para makakuha ng panibagong larawan ng mga isda sa ilalim ng dagat ng Nalusuan.
Iginiit ng divers na sapat ang oxygen ni Shiarishi na may dala pang double tank pagsidsid at wala itong sakit sa puso.
Posible naman anilang nagkaroon ng problema sa oxygen tank nito na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.