5 sundalo sugatan sa pagsabog sa Iloilo

By Jay Dones December 15, 2015 - 03:08 AM

 

Mula sa Google Maps

Limang miyembro ng 82nd Infantry Battalion ng Philipine Army ang nasugatan makaraang masabugan ang mga ito ng Improvised ExplOsive Device sa Iloilo.

Nakilala ang mga nasaktang mga sundalo na sina Corporal Christopher Mendoza, Private First Class Rec Sencil, Private Jess Arca, Private Joemer Cardona, Private Danton Lim at ang sibilyan na si Bryan Servano.

Sakay ng truck ang mga biktima at bumabagtas sa barangay Tiolas, sa bayan ng San Joaquin Iloilo nang biglang sumabog ang IED sa lansangan.

Patungo sana ng Camp Monteclaro sa bayan ng Miag-ao ang mga ito nang masabugan ng IED.

HInala ng mga otoridad, mga miyembro ng New People’s Army na may kinalaman din sa panununog sa mga heavy equipment sa bayan ng Igbaras ang may kagagawan ng pagpapasabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.