Bangkay natagpuan sa gilid ng kalsada sa Baguio City

By Mary Rose Cabrales June 03, 2019 - 01:15 AM

Natagpuan ng mga construction workers ang bangkay ng isang lalaki na walang suot pang-itaas sa gilid ng kalsada sa Lower Balacbac Road sa Baguio City, Linggo ng umaga (June 2).

Ang bangkay ay may mga tattoo ng rosaryo sa dibdib, bituin sa magkabilang balikat at bulaklak naman sa kaliwang braso.

Ayon sa mga residente hindi nila kilala ang lalaki.

Ayon naman sa isa pang residente na nagngangalang Apolonio Demot, mayroon silang nakitang apat na lalaki at nakahubad na lalaki bandang alas-3 ng madaling araw sa bahagi ng Magsaysay Avenue na may hinahabol na tao at may hawak na bato.

Ayon pa kay Demot, naghabulan umano ang mga lalaki at nagpalitan ng bato hanggang sa Center Mall. Nakita pa niyang naglalakad ang biktima na tila walang tama.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang kinasangkutang gulo ng lalaki at mga nakaaway nito.

Inaalam naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang ikinasawi ng lalaki.

TAGS: baguio city, man found dead, police report, baguio city, man found dead, police report

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.