1 patay, 4 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Siargao

By Mary Rose Cabrales June 03, 2019 - 12:29 AM

Patay ang isang turista habang sugatan naman ang apat na iba pa matapos matamaan ng kidlat sa Naked Island sa General Luna sa Siargao Island, Sabado ng hapon (June 1).

Ayon sa General Luna Police Station, nag-island hopping ang isang grupo ng mga turista sa Naked Island.

Sa salaysay ng isa sa mga nasugatan sa insidente na si Grace Tolibas, habang kumukuha sila ng mga larawan ay bigla na lamang may tumamang kidlat malapit sa kanilang pinagkakatayuan.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival si Lee Christian Zamora, manager sa isang call center.

Ilan pa sa mga nasugatan ay nakilalang sina Elain Jhane Zamora, Princess Jayme, Zuzanne Sigamol.

TAGS: kidlat, Siargao Island, kidlat, Siargao Island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.