Obispo sa mga estudyante: ‘Study seriously, do not skip classes’

By Rhommel Balasbas June 03, 2019 - 02:23 AM

May paalala ang isang obispo sa mga estudyante lalo na sa mga anak ng overseas Filipino workers (OFWs) sa muling pagbubukas ng klase ngayong araw (June 3).

Sa isang pahayag, pinayuhan ni Balanga Bishop Ruperto Santos na dapat mag-aral nang mabuti ang mga estudyante dahil pinaghihirapan ito ng kanilang mga magulang.

Iginiit ng obispo na dapat pag-igihan ang pag-aaral dahil pangarap ng mga magulang para sa mga anak na sila ay maging matagumpay.

“Study seriously. As your parents work hard to send you to school, study harder. Study to be successful as they dream it for you. Attend classes and not skip,” ani Santos.

Dapat anyang pasayahin ang mga magulang at magbigay karangalan sa mga ito.

“Make them happy and bring honours to them. Make your studies first and foremost in your life,” giit ng obispo.

Bukod sa payo na huwag lumiban sa klase, hinimok din ni Bishop Santos ang mga estudyante na piliin nang mabuti ang kanilang magiging mga kaibigan.

“Choose your friends. Don’t do anything that will hurt someone or harm yourself. Listen to your teachers and obey your parents,” dagdag ng obispo.

Payo ng obispo sa mga anak ng mga OFW, magtipid at huwag maging maluho upang hindi masayang ang pinaghihirapan ang kanilang mga magulang.

“Buy what is truly needed. Remember your parents work hard to earn, so don’t waste what they send you. And learn to save,” ani Santos.

Nasa 28 milyong estudyante ang inaasahang magbabalik eskwela ngayong araw.

TAGS: 2019 opening of classes, Balanga Bishop Rupeto Santos, Balik-Eskwela 2019, School Year 2019-2020, 2019 opening of classes, Balanga Bishop Rupeto Santos, Balik-Eskwela 2019, School Year 2019-2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.