Mas marami pang kumpanya nag-anunsyo na ng rollback sa presyo ng petrolyo

By Rhommel Balasbas June 03, 2019 - 03:17 AM

Nag-anunsyo na rin ang iba pang kumpanya ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo na epektibo bukas, araw ng Martes (June 4).

Ito na ang ikalawang sunod na linggong oil price rollback.

Ang Phoenix Petroleum at Petro Gazz ay parehong may P1.75 kada litro na bawas sa gasolina at P1.05 kada litro sa presyo ng diesel.

Samantala, ang Shell at Seaoil ay may P1.70 kada litro na bawas sa gasolina, P1.05 kada litro sa diesel at P1.00 sa kada litro ng gaas.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Phoenix noon pang alas-12:00 ng tanghali ng Sabado.

Alas-12:01 ng madaling araw bukas, Martes epektibo ang bawas-presyo ng Seaoil na susundan ng Shell at Petro Gazz alas-6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

TAGS: Big time oil price rollback, Petro Gazz, petroleum products, Phoenix petroleum, Seaoil, Shell, Big time oil price rollback, Petro Gazz, petroleum products, Phoenix petroleum, Seaoil, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.