Carlo Aquino umapela sa netizens na tigilan ang kanyang mga kaibigan at rumored gf

By Rhommel Balasbas June 03, 2019 - 12:01 AM

Umapela ang aktor na si Carlo Aquino sa mga netizens na tigilan na ang pambabash ng mga ito sa kanyang rumored girlfriend na si Trina Candaza at ibang mga taong malapit sa kanya.

Ang apela ay idinaan ni Carlo sa pamamagitan ng isang Instagram story.

Iginiit ng aktor na walang may ibang kasalanan sa mga nangayayari kung hindi siya kaya’t dapat sa kanya lang ituon ng mga tao ang galit.

Hindi tinukoy ni Carlo ang umano’y kasalanan niya pero iginiit nito na siya ang nagdesisyon sa isang bagay kaya dapat ay siya ang kagalitan dapat ng netizens.

“Walang ibang may kasalanan kung hindi AKO. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Kung magagalit kayo. Sa akin kayo magalit. Hindi sa ibang tao. Hindi kay Trina kay Mets kay Josh o kay Khang. Sa akin. Dahil ako ang nagdesisyon. Huwag niyo na po idamay ang ibang tao dahil wala silang kasalanan. Lahat ng galit ninyo tatanggapin ko pero huwag niyo lang ipasa sa ibang tao dahil wala silang ginawa,” ani Carlo sa kanyang post.

Naging usap-usapan na may malalim ugnayan si Candaza at ang aktor matapos lumabas ang ilang larawan ng mga ito na magkasama noong January 2019.

Ito ay sa kabila ng bumuting muling relasyon nina Angelica Panganiban at ng aktor noong 2018 na nasaksihan ng netizens.

TAGS: Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Instagram story, rumored girlfriend, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Instagram story, rumored girlfriend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.