High-value drug suspect at anim na iba pa timbog sa Cagayan Valley

Naaresto sa operasyon ng mga pulisya ang isang high-value drug suspek at anim na iba pa sa Cagayan Valley noong Sabado.

 

Kinilala ni Lt. Col Chevalier Iringan, spokesperson  ng Cagayan Police Regional Office, ang 35-anyos na suspek na si Franklin Salvador Baggay, alyas Pangki, pangwalo sa regional watch list ng mga drug suspects.

 

Isang sachet Kristal menth, o mas kilala bilang shabu,  at P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency at lokal na polisya sa Don Francisco Village, Sagana Santiago City.

 

Naaresto din sa parehong operasyon ang kapatid ni Baggay na si Mariano, 37-anyos .

 

Samantala, sa mga hiwalay na anti-drug operation ay naaresto naman ng pulisya ang limang iba pang suspek na kinilala bilang Jeffrey Amin, Randy Yasay, Elimar Aboc, Marilyn Valdez, at Arnold Quintos alyas Samson.

Read more...