Babae patay, isa sugatan sa banggaan sa Isabela
Patay on the spot ang 30-anyos na babaeng driver habang nasa kritikal naman na kondisyon ang kaangkas nito matapos kumalang ang sinasakyan nilang motorsiklo sa palikong bahagi ng kalsada noong Sabado ng gabi.
Kinilala ng mga otoridad ang driver na si Jovilyn Balacanao ng Cubag Village sa bayan ng Cabagan habang ang sugatan na kanyang backrider ay kinilalang si Daniel Mabaggu, 21 anyos, nakatira sa parehong barangay.
Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay umalis sa kanilang bahay noong sila ay madisgrasya sa motorsiklo habang tinatahak ang kurbadong bahagi ng Barangay San Miguel sa ganap na 10:10 ng gabi.
Napuruhan ang ulo ni Balacanao na naging sanhi ng kanyang agarang pagkasawi habang si Magbbagu naman ay nagtamo ng mga bali sa kanyang katawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.