Naaresto ang dalawang suspek sa panghoholdap sa bahagi ng Barangay Dona Josefa, Quezon City.
Ayon sa biktima na si Elizabeth Erasmo, 49 anyos, sinabayan siya ng mga suspek sa paglalakad saka tinutukan ng patalim at kinuha ang kanyang cellphone.
Kasalukuyang mayroong nagaganap na Anti-Criminality Operation ang pulisya sa lugar kung kaya’t agad nahuli ang mga salarin.
Nakilala ang mga suspek na sina Joseph Maguddatu, 38 anyos, at si Dominador Dar Jr., 38 anyos.
Nakuha ang dalawang swiss knife at motorsiklo na ginamit sa pagtakas.
Nabawi rin ang cellphone ng biktima.
Nahaharap sa kasong pagnanakaw o Quezon City Ordenance No. 5121 at Omnibus Election code dahil umiiral pa rin gun ban ngayon.
Nakakulong ang mga suspek sa istasyon ng Galas Police sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.