2 patay sa aksidente sa Quezon City

By Clarize Austria June 02, 2019 - 09:58 AM

Nasawi ang dalawang lalaking motorcycle rider ng maaksidente sa Quezon City kaninang alas 3:00 ng umaga, June 2.

Ayon sa report, nagsalpukan ang motorsiklo at taxi sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa nasabing lungsod.

Galing ang mga nakamotorsiklo sa gawi ng Quezon Memorial Circle habang ang taxi ay bumabaybay sa northbound lane ng EDSA.

Unang sumalpok ang motorsiklo sa taxi ng dyarber na si Danny Dique.

Sumunod na tumama ang motor sa taxi ni Aurthur Oñez kung saan nayupi ang kanang pinto at nabasag ang bintana.

Sa kabutihang palad, walang natamong sugat o galos ang mga taxi driver.

Sinabi ng mga ito na mabilis ang takbo ng motorsiklo kahit nakapula nag stoplight sa Quezon Avenue.

Agad naman rumesponde ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa insidente.

Dinala ang dalawang sakay ng motorsiklo sa East Medical Center ngunit binawian din ng buhay ayon sa mga doktor.

TAGS: dalawang motorcycle rider patay, EDSA-Quezon Avenue, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dalawang motorcycle rider patay, EDSA-Quezon Avenue, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.