Hindi solusyon ang patuloy na pagtaas ng buwis sa mga produkto ng Mexico ayon kay Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador.
Ito ay kasunod ng 5% hanggang 25% na dadag buwis sa mga Mexican products na ipinapasok sa Estados Unidos.
Kaya naman ipinag-utos ni Obrador sa foreign minister na mag tungo sa Washington upang ayusin ang hindi pagkakainitindihan sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Obrador, ang pag-taas ng taripa ay hindi sulosyon sa matagal na nilang problema sa illegal migration.
Dagdag pa niya, sumusunod ang Mexico sa mga utos ni U.S. President Donald Trump para resolbahin na problema.
Ngunit ang pangunahing tinitinganan nila ay ang karapatan pantao kaya nagiging maingat sila sa kanilang mga hakbangin.
MOST READ
LATEST STORIES