2018 Miss Universe Catriona Gray balik bansa

By Noel Talacay June 02, 2019 - 09:19 AM

Kumpirmado na ang pagbabalik ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray sa Pilipinas.

Ayon sa beauty queen, naguguluhan umano siya kung ano ang mga dadaldin sa pag-uwi sa bansa ngayong ngayong buwan.

Dagdag pa niya, mixed emotions ang kanyang nararamdaman dahil ipapasa na niya ang korona sa susunod na magiging kinatawan ng Pilipinas para sa Miss Universe 2019.

Ang pagpili sa mga gamit kung ano ang maiiwan at kung ano ang bibitbitan ang pinakamahirap bahagi sa pagbyahe para kay Gray.

Walang eksaktong araw na binanggit si Gray sa kanyang pagdating sa Pilipinas.

TAGS: 2018 Miss Universe, Catriona Magnayon Gray, 2018 Miss Universe, Catriona Magnayon Gray

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.