Water level ng ilang dams patuloy ang pagbaba

Patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang dams ngayong araw, June 2.

Sa inilabas na report ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration – Department of Science and Technology  (PAGASA-DOST) alas 6:00 ng umaga, bumama ang water level ng Angat dam sa 168.67 meters mula sa 169 meters kahapon.

Nabawasan rin ng Ipo dam na mula sa 101.06 meters ay naging 101.05 meters.

Ang La Mesa dam naman ay may 68.87 meters ngayong araw na mas mababa kumpara sa kahapong 68.94 meters.

Bumagsak din ang lebel ng tubig sa mga sumusunod na dam:

Ambuklao:
741.99 meters mula 742.05 meters

Binga:
568.48 meters mula 568.54 meters

San Roque:
238.11 meters mula 238.36

Pantabangan:
193.92 meters mula 193.94 meters

Caliraya:
286.19 meters mula 286.29 meters

Habang bumama ang tubig sa mga nasabing dams ay tumaas naman water level ng Magat dam ng 0.11 meters o 188.58 meters kumpara sa 188.47 meters kahapon.

Read more...