PNP may paalala sa mga magulang, estudyante sa darating na pasukan

June 02, 2019 - 07:59 AM

Nagbigay paalala ang Philippine National Police (PNP) sa mga magulang at estudyante para sa darating na pasukan bukas, June 3.

Sinabi ni PNP spokesman Police Coronel Bernard Banac na nakabantay sila sa mga paaralan ngunit kailangan pa rin ng mga mag-aaral na bantayan ang kanilang mga gamit.

Payo rin niya sa mga magulang huwag ng magdala at pagdalhin ang mga anak ng mga mamahaling gadgets sa eskwelahan upang hindi makaakit ng masasamang loob.

Mag-ingat din aniya sa mga modus na laglag barya at salisi sa mga lansangan at pampublikong transportasyon.

Siniguro naman ni Banac na may sapat na tauhan ang PNP at may mga undercover na pulis na magbabantay sa pagbubukas ng klase.

TAGS: June 3, pasukan bukas, Philippine National Police, PNP spokesman Police Coronel Bernard Banac, June 3, pasukan bukas, Philippine National Police, PNP spokesman Police Coronel Bernard Banac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.