PNP handa na sa pagbubukas ng klase sa June 3
Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng klase sa lunes, June3.
Ayon kay PNP spokesman Police Coronel Bernard Banac, magpapakalat ng 120,000 pulis sa buong bansa upang magbantay sa unang araw ng klase.
7,000 naman aniya ang ipapakalat sa kalakhang Maynila na aantabay sa mga paaralan at unibersidad lalo na sa mga eskwelahan na nakapaloob sa University Belt.
Sa kasulukuyan, wala aniyang natatanggap na mga banta sa seguridad ng mga tao ngunit nananatiling nakaalerto ang kanilang mga opisyal.
Makikipagtulangan din ang PNP sa mga opisyal ng barangay upang masiguro ang matinong daloy ng trapiko.
Inaasahang magbabalik eskwela ang maghigit sa 27.8 milyong estudyante sa June 3 kung saan 25 milyon sa mga ito naka-enroll sa mga pampublikong paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.