Bobby Eusebio naghain na ng electoral protest laban kay Vico Sotto

By Clarize Austria June 02, 2019 - 06:48 AM

Nagsampa na ng reklamo sa Commission on Elections (COMELEC) ang natalong mayoral candidate ng Pasig City na si Bobby Eusebio laban kay mayor-elect si Vico Sotto.

Ito ay kaugnay ng diumano’y naganap na dayaan noong nakaraang halalan sa nasabing lungsod.

Sa kanyang post sa social media, inabi naman ni Sottoang ayos lang sa kaniya na naghain ng electoral protest ang kalaban dahil sigurado siyang tama ang resulta ng bilangan.

Dagdag pa niya, mahanap na sana ni Eusebio ang “inner peace” upang matanggap ang kinalabasan ng halalan.

Handa umano ang batang alkalde na magtrabaho kasama si Eusebio para sa maayos na transition sa munisipyo kung handa na ito.

Matatandaang binuwag ni Sotto noong nakaraang eleksyon ang 27 taong pamumuno ng mga Eusebio sa Pasig City.

TAGS: Bobby Euerbio, Commission on Elections (Comelec), electoral protest, vico sotto, Bobby Euerbio, Commission on Elections (Comelec), electoral protest, vico sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.