Arestado ang siyam na katao sa ginawang pagsalakay sa umanoy drug den sa Barangay San Joaquin, Pasig City Linggo ng madaling araw.
Nakuha ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa mga suspek ang siyam na sachet ng shabu.
Ayon sa otoridad, nagsisilbing “one stop shop” ang bahay na kanilang sinalakay.
Ang pagka-aresto sa mga suspek ay kasunod ng inilabas na search warrant ng Pasig regional trial court (RTC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.