19 sugatan sa pagsabog sa Russia

By Len Montaño June 02, 2019 - 02:24 AM

AP photo

Hindi bababa sa 19 katao ang sugatan sa pagsabog sa isang malaking planta sa Russia araw ng Sabado.

Ayon sa mga otoridad, dalawang katao ang nawawala bunsod ng insidente.

Nangyari ang pagsabog sa Kristall factory sa Silangan ng Moscow.

Ginamot sa mga ospital ang mga nasugatan ayon sa isang opisyal ng health ministry.

Ang mga biktima ay nagtamo ng shrapnel wounds.

Sinabi ng kinatawan ng pabrika na lima ang nagtatrabaho nang maganap ang pagsabog.

Nabatid na ang pagsabog ay sinundan ng sunog kalaunan.

 

TAGS: 19 sugatan, Kristall factory, Moscow, pagsabog, planta, Russia, shrapnel, 19 sugatan, Kristall factory, Moscow, pagsabog, planta, Russia, shrapnel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.