Lacson: Tolentino hinihimok si Villar na hamunin si Sotto sa Senate presidency

By Len Montaño June 02, 2019 - 01:56 AM

Hinihimok umano ni Senator-elect Francis Tolentino si Senator Cynthia Villar na kalabanin si Senate President Tito Sotto sa kanyang posisyon bilang pinuno ng Senado.

Ito ang ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson bunsod anya ng usapan nila ni Sotto.

Sa text message para kay Sotto, sinabi ni Senator-elect Imee Marcos na si Tolentino ang namimilit umano kay Villar na lumaban bilang Senate President.

Ayon kay Lacson, sinabi rin sa kanya ni Sotto na humingi sa kanya ng paumanhin si Marcos na nagsabing nagkaroon lamang ng misunderstanding o hindi pagkakaunawaan.

Nabanggit lang umano ni Marcos si Villar dahil magka-partido sila.

Una rito ay sinabi ni Marcos na susuportahan niya si Villar na kanyang kapartido sa Nacionalista Party sakaling magkaroon ng pagpapalit sa Senate leadership.

“At sinabi niya ang talagang kumausap kay Senator Villar si Senator-elect Tolentino, at yan talaga ang nagpu-push na subukan na makipagsapalaran, makipagtunggali at baka sakaling makakkuha ng numero. Pero lahat yan parang pagpaplano,” ani Lacson.

Wala umanong ideya si Lacson kung bakit pursigido si Tolentino na palitan si Sotto.

Bago dito ay gumawa si Lacson ng draft ng resolusyon na pipirmahan ng mga Senador sa Lunes para malaman kung sino ang suportado pa rin ang pamumuno ni Sotto.

Pero paglilinaw ni Lacson na ang naturang ideya ay orihinal na ipinanukala umano ni Senator Manny Pacquiao.

 

TAGS: hinihimok, kalabanin, Nacionalista Party, senate presidency, Senator Cynthia Villar, Senator Manny Pacquiao, Senator Panfilo Lacson, Vicente Sotto III, hinihimok, kalabanin, Nacionalista Party, senate presidency, Senator Cynthia Villar, Senator Manny Pacquiao, Senator Panfilo Lacson, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.