Ginebra nagtala ng ga-hiblang panalo kontra NorthPort

PBA photo

Nalampasan ng Barangay Ginebra ang palabang NorthPort matapos maitala ang 73-70 win para sa ikalawang sunod na panalo sa PBA Commissioner’s Cup Sabado ng gabi.

Pinangunahan Ginebra import Justin Brownlee ang panalo ng Gin Kings sa ginawa nitong 32 points, 8 assists at 5 steals.

Sina Greg Slaughter at Scottie Thompson ang tanging local players na may twin-digit scores na 16 at 11 points.

Hindi naman gaanong nagustuhan ni Ginebra coach Tim Cone ang kanilang panalo.

Pinuna ni Cone ang mga turn-overs ng kanyang players.

Sina Sean Anthony at Mo Tautaaa ang nanguna sa scoring ng NorthPort.

Ang import naman ng NorthPort na si Prince Ibeh ay nakagawa lamang ng 8 puntos.

Sa ngayon ay 2-1 na ang record ng Ginebra at sunod nitong makakalaban ang Rain or Shine.

 

Read more...