PNP, DepEd sanib-pwersa sa kampanya kontra bullying sa eskwelahan
Sanib-pwersa ang Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd) para sa anti-bullying campaign sa mga eskwelahan kasabay ng pagbubukas ng klase sa public schools sa Lunes June 3.
Tiniyak ng DepEd na hindi babalewalain ang insidente ng bullying mangyari man ito sa pampubliko o pribadong eskwelahan.
Paalala ng ahensya, lahat ng public schools ay dapat na mayroong child protection committee para tugunan ng bullying habang sa mga private schools ay kailangan na may umiiral na anti-bullying policies.
Ayon sa PNP at DepEd, ang alituntunin ng paaralan ay dapat na alinsunod sa Child Protection Act of 2013 gaya ng proteksyon ng biktima ng bullying at pagkakilanlan ng nang-bully kung ito ay menor de edad at ang pagkakaroon ng counselling para maresolba ang problema.
Sinabi ng DepEd na ang paaralan na walang anti-bullying policy ay tatanggalan ng permit to operate.
Ayon kay Suzette Gannaban-Media, DepEd legal service chief administrative Officer, nakakaapekto ang bullying hindi lamang sa isipan kundi maski sa pag-aaral ng bata.
Samantala, mamimigay ang PNP ng mga pamphlets sa school grounds bilang bahagi ng kampanya.
Hinimok ng pulisya ang mga biktima ng bullying na mag-report sa otoridad at para sa mga nakasaksi ng bullying, dapat na makialam at agad na humingi ng tulong.
Babala ng 2 ahensya, ang bullying ay paglabag sa Child Protection Act o sa mga probisyon ng Cybercrime Prevention Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.