Pulis patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Zamboanga City

By Len Montaño June 01, 2019 - 10:43 PM

Contributed photo

Nasawi ang isang miyembro ng Zamboanga City Police Anti-Drugs Operatives (ZCPADO) matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Tumaga Sabado ng gabi.

Kinilala ni Major Arlan Delumpines, commander ng Zamboanga City Police Station 7 ang biktima na si Corporal Edgar Gaganting na nakatalaga sa Police Station 4.

Si Gaganting ay isa sa mga miyembro ng anti-drug unit na nakaaresto sa anak ng kilalang retiradong police official noong Enero.

Ang biktima ang unang pulis na napatay sa lungsod ngayong taon at pang-lima mula ng ipatupad ang war on drugs ng administrasyong Duterte.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa pamamaril kay Gaganting.

 

TAGS: anti-drugs, patay sa pamamaril, Pulis, riding in tandem, War on drugs, Zamboanga City, anti-drugs, patay sa pamamaril, Pulis, riding in tandem, War on drugs, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.