Fire safety inspection isinagawa ng MFD

By Noel Talacay June 01, 2019 - 09:18 PM

Umabot ng 25 na gusali ang lumabag sa panuntunan ng fire safety.

Ito ay napag-alaman matapos ang ginawang fire safety inspection ng Manila Fire Department o (MFD).

Ayon kay Fire Major Marvin Carbonel, hepe ng fire safety enforcement section ng lungsod, mga basic violation lang ang mga nalabag, at aayusin kaagad ng mga may-ari ng mga establisimiyento bago ang pasukan sa Lunes, June 3.

Mayroong 261 registered dormitories na may business license ang Maynila ayon kay Carbonel.

Panawagan naman niya sa mga uupa na dapat alamin muna kung may business permit at least dapat may dalawang fire exit ang mga gusali.

Dagdag pa niya Importante ang fire exit para kapag may emergency maka-likas agad at mas maganda kung concrete ang bahay.

Ang fire safety inspection ay gingawa taun-taon sa lahat ng dormitories sa buong Maynila.

TAGS: Inspeksyon sa mga dormitories, manila fire department, Inspeksyon sa mga dormitories, manila fire department

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.