Paquiao mantindi ang pag-eensayo para mapatumba si Thurman

Mabigat ang nagiging paghahanda ng Pambansang Kamao at Senador na si Manny “Pacman” Pacquiao sa Elorde Gym, Five ECom Center sa Mall of Asia.

Desidido si Pacquiao na ipakita sa undefeated na si Keith Thurman na kaya niya itong patulugin at kung sino ang matanda sa kanilang dalawa.

Noong nakaraan ay naglabas ng pahayag si Thurman kung saan sinabi nito na tatapusin niya ang karera ni Pacman sa boxing.

Ayon naman kay Justin Fortune, fitness at conditioning coach ni pacquiao, dismayo ang pambansang kamao sa pahayag ng kanyang kalaban.

Maghaharap si Pacquiao at Thurman sa July 20 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Read more...