Tatlong katao ang naitalang nasawi sa nangyareng bangaan sa isang madilim na kalsada sa bayan ng M’lang, sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay M’lang Vice Mayor Joselito Piñol, tatlong sasakyan ang nasangkot sa aksidente sa bayan ng Lika.
Kinilala ni Piñol ang mga nasawi na sina Archie Sagcelo, Saicy Dimalaluan at Trixie Morga na pare-parehong sugatan ang ulo.
Samantala, agad namang isinugod sa ospital ang ika-apat na taong nasangkot din sa nasabing aksidente na kinilala naman na si Joseph Molina, dahil sa mga bali nito sa katawan.
Ayon sa pulisya, itinutulak umano ni Molina ang isang motorsiklo sa kahabaan ng unlit highway nang biglang sumalpok dito ang isa pang motorsiklo na may dalang tatlong tao.
Ito ang naging dahilan ng pagtalsik ng ikalawang motorsiklo patungo sa isang Ford Everest na pg aari at minamaneho ng Station Manager ng Radyo Bandera na si Benny Queman na nakabase sa Midsayap Cotabato.
Agad namang nagtungo sa pulisya si Queman at iginiit na hindi siya ang may kasalanan sa nangyare.
Sa isa nitong Facebook post ay hiningi nito ang kapatawaran mula sa mga kamag anak ng tatlong biktimang nasawi.
Si Queman ay kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng pulisya ng M’lang habang patuloy parin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyareng aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.