Bilang ng foreign nationals na nahuli sa Metro Manila, dumami
Tumaas ang bilang ng mga foreign nationals ang naaresto sa Metro Manila sa loob ng tatlong taon ayon sa talaan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Anila, 806 na foreign nationals ang nasa kustodiya ng pulis noong taong 2018 kumpara sa bilang noong 2017 na 660 katao at noong 2016 na 745 katao lamang.
Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, ang malaking bilang ng kaso na kinakaharap ng mga banyaga ay panggugulo sa mga establishimento.
Nasa top list ang mga Chinese nationals na may bilang na 333 noong 2018, 190 noong 2017 at 170 noong 2016.
Ayon kay Brigader General Eliseo Cruz, halos araw-araw ay may nahuhuli silang mga Chinese nationals.
Isa sa mga nagawang malubhang kaso ng mga ito ay ang pagngingidnap na karamihan ay may koneksyon sa utang.
Pinakamaraming bilang ng may nahuhuling foreign nationals ay sa Southern Police District (SPD) na may 571 noong 2018, 412 noong 2017 at 448 sa 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.