Bongbong Marcos pabor sa pagtanggal sa Smartmatic bilang supplier ng VCM

Suportado ng kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang Smartmatic bilang provider ng mga vote counting machines (VCM) sa susunod na automated elections sa bansa.

Ito ay ayon sa pahayag ni Atty. Vic Rodriguez tagapagsalita ng dating senator noong Sabado sa Quezon City Media Forum.

Habang abala ang pangulo sa kanyang apat na araw na working visit sa Japan, hinimok naman nito ang Commission on Elections (COMELEC) na makahanap ng panibagong supplier ng VCM na di umano’y “malaya sa pandaraya.”

Read more...