Sen. Lacson nais ipasuri kay Senator-elect Bato ang isyu sa mga biktima ng droga

By Marlene Padiernos June 01, 2019 - 07:48 PM

Naghayag si senator Panfilo Lacson na gusto niyang ipasuri kay senator-elect Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga isyu ng mga biktima ng droga.

Sinabi ni Lacson na ang tunay na layunin niya sa pag-aalok kay Dela Rosa ay para mapalawak ang pananaw ng bagong senador.

Si Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP), ang namuno sa Anti-Drug Program ng “Oplan Tokhang” ng administrasyon ni Pangulong Rodrido Duterte.

Samantala, nakapagtala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP ng kabuuang 5,176 na bilang ng mga napatay na suspek mula noong inilunsad ng pangulo ang madugong drug war noong Hulyo 2016.

TAGS: Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police, Sen. Panfilo Lacson, Senator-elect Ronald "Bato" dela Rosa, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police, Sen. Panfilo Lacson, Senator-elect Ronald "Bato" dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.