Maynila at kalapit na lalawigan uulanin ngayong Hunyo 1

Inaasahan na makakaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang 3:50 ng hapon, ang Metro Manila, Tarlac, Laguna, Rizal, Batangas, Cavite, at Nueva Ecija ang nasabing panahon ay nakaramdam sa loob dalawang oras.

Parehas na panahon naman ang nararanasan ng bayan ng Mexico, San Luis, San SImon, Apalit sa Pampanga, San Maria, Bocaue, Guiguinto sa Bulacan, at Gumaca, Pitogo, Lopez, Tagkawayan sa Quezon na tumagal ng isa hanggang dalawang oras na makakaapekto rin sa mga kalapit na lugar.

Pinagiingat ang lahat sa mga posibleng pagbaha at landslides na maidudulot ng pag-ulan.

Read more...