Maynila at kalapit na lalawigan uulanin ngayong Hunyo 1

By Clarize Austria June 01, 2019 - 07:37 PM

Inaasahan na makakaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang 3:50 ng hapon, ang Metro Manila, Tarlac, Laguna, Rizal, Batangas, Cavite, at Nueva Ecija ang nasabing panahon ay nakaramdam sa loob dalawang oras.

Parehas na panahon naman ang nararanasan ng bayan ng Mexico, San Luis, San SImon, Apalit sa Pampanga, San Maria, Bocaue, Guiguinto sa Bulacan, at Gumaca, Pitogo, Lopez, Tagkawayan sa Quezon na tumagal ng isa hanggang dalawang oras na makakaapekto rin sa mga kalapit na lugar.

Pinagiingat ang lahat sa mga posibleng pagbaha at landslides na maidudulot ng pag-ulan.

TAGS: makakaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makakaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.