Nakilala ng Malabon Station Drug Enforcement Team ang dalawa bilang sina Marlon Solano, 32 taong gulang, at Matthew Von Erick Soriano, 24 taong gulang.
Nahuli ang mga ito sa Teacher Village Corner, Pla-Pla St. sa Barangay Longos, ganap na alas-3 ng umaga.
Nasambat mula sa mga suspek ang 23 pirasong pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at ang isang pisong na ginamit sa naturang operasyon.
Kasalukuyang inihahanda ang ihahating reklamo sa dalawa sa paglabag ng Republic Act 9156 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.
Nasa kustodiya pa rin ng pulisya ang dalawang suspek.
MOST READ
LATEST STORIES