P600K halaga ng droga nakuha sa Malabon

By Marlene Padiernos June 01, 2019 - 07:14 PM

Nasa 600,000 pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa dalawang lalaking naaresto sa ang operation ng pulisya sa Malabon ngayong Sabado, June 1.

Nakilala ng Malabon Station Drug Enforcement Team ang dalawa bilang sina Marlon Solano, 32 taong gulang, at Matthew Von Erick Soriano, 24 taong gulang.

Nahuli ang mga ito sa Teacher Village Corner, Pla-Pla St. sa Barangay Longos, ganap na alas-3 ng umaga.

Nasambat mula sa mga suspek ang 23 pirasong pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at ang isang pisong na ginamit sa naturang operasyon.

Kasalukuyang inihahanda ang ihahating reklamo sa dalawa sa paglabag ng Republic Act 9156 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Nasa kustodiya pa rin ng pulisya ang dalawang suspek.

TAGS: Malabon Station Drug Enforcement Team, P600K halaga ng shabu, Republic Act 9156 o Comprehensive Dangerous Act of 2002., Malabon Station Drug Enforcement Team, P600K halaga ng shabu, Republic Act 9156 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.