DTI nagbabala sa publiko sa pagbili ng substandard na bakal
Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko sa pagbili ng produktong bakal na gawa ng Wan Chiong Steel Corporation na naglalabas ng mga substandard na bakal.
Ang paalala ayon sa ahensya ay upang masiguro ang kaligatasan ng mga tao at maiwasan ang paglabas ng mga nasabing produkto sa merkado.
Inutusan na rin ng DTI ang mga tindahan na ibalik ang mga bakal at huwag magbenta ng produktong galing sa nasabing kumpanya.
Noong Enerp ay ipinatigil agad ang operasyon ng pabrika dahil sa paggawa ng mga substandar na bakal.
Nilagyan naman ng selyo ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) at Regional Office III ang mga nakitang bakal sa pabrika.
Nagbigay din ang Environmental Management Bureau of Pampanga ng notice sa kumpanya sa paglabag nito sa Philippine Clean Air Act dahil sa makapal na usok at alikabok na nagmumula sa pabrika.
Inabisuhan naman ng DTI ang Wan Chiong na sumunod sa ahensya at gawin ang mga kailangan pagtatama upang makabalik sa merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.