OCD: P37-M naibigay na sa mga namatayan at sugatan sa Marawi siege
Nilinaw ng Office of the Civil Defense na umaabot na sa halos ay P37 Million ang kanilang naipamigay sa mga biktima ng Marawi siege.
Ito ay taliwas na naging ulat ng Commission on Audit na naging matipid at P10,000 lamang ang naibahagi ng ahensiya sa mga kaanak ng mga namatayan at nasugatan sa limang buwan na gulo sa Marawi City.
Sa isang pahayag, sinabi ni Usec. Ricardo Jalad, National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) administrator and OCD executive director, na as of May 30, umaabot na sa P5.164 Billion ang nagamit para sa Marawi rehabilitation at reconstruction program.
We would like to assure the public that the funds for the victims of the Marawi siege in the amount of P36.91 million from various donors is still with the OCD and are not missing,” dagdag pa ni Jalad.
Umaabot sa P4.8 Billion ang nailabas na pondo noong 2018.
Sinabi ni Jalad na ang OCD ang siyang nagsisilbing implementing arm ng NDRRMC at coordinator ng Task Force Bangon Marawi (TFBM), na siyang naatasang manguna sa pasasa-ayos ng lungsod at tumulong sa mga naapektuhan ng terror attack sa Marawi City.
Nilinaw pa ni Jalad na maingat sila sa paglalabas ng pondo.
Kabilang dito ang P10,000 tulong sa bawat isang namatayan at P5,000 na financial assistance para naman sa mga nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.