Saudi nagbabala ng oil price surge kapag naulit ang terror attack sa gulf region

By Den Macaranas June 01, 2019 - 09:58 AM

AP photo

Nagbanta ang Saudi Arabia na ang naganap na terror attack sa ilan sa kanilang mga tankers noong nakalipas na linggo ay posibleng magresulta sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sinabi ni King Salman ng Saudi Arabia na kailangang mabigyan ng tamang aksyon ng iba pang Islamic countries ang nasabing pag-atake na ibinibintang naman niya sa Iran.

Sa pagsasalita ng Saudi top official sa Organization of Islamic Cooperation (OIC) summit sa Mecca ay kanyang binanatan ang Iran na umano’y pinagmumulan ng mga terror attack sa iba pang Islamic countries.

Kapuna-puna naman na hindi sumipot sa nasabing summit ang mga kinatawan ng Iran at Turkey.

Bukod sa naganap na pag-atake sa kanilang mga oil tanker ay inakusahan rin ng Saudi ang Iran ng pagsasagwa ng drone attack sa ilan sa kanilang mga oil pipeline.

Mariin namang itinanggi ng Iran ang nasabing mga bintang ng Saudi leader.

“We confirm that terrorist actions not only target the kingdom and the Gulf region, but also target the safety of navigation and world oil supplies,” ayon kay kay King Salman.

Nauna dito ay sinabi ng US na ang Iran nga ang nasa likod ng serye ng mga pag-atake.

Bilang bwelta, sinabi naman ng Iran na nakikisawsaw lang sa isyu ng US para mabuhay ang sigalot sa hanay ng ilang Islamic states.

TAGS: BUsiness, Iran, king salman, petroleum products, pil, Saudi, terroro attack, trump, US, BUsiness, Iran, king salman, petroleum products, pil, Saudi, terroro attack, trump, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.