Petisyon ni Rizalito David laban kay Sen. Poe, tatalakayin na ng SC

By Ricky Brozas December 15, 2015 - 03:17 AM

 

david-GraceNakatakda nang talakayin sa Miyekules ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang Petition for Certiorari ni Rizalito David laban sa naging desisyon ng Senate Electoral Tribunal sa Disqualification case ni Senadora Grace Poe.

Iyan ay makaraang iutos ni Chief Justice Ma.Lourdes Sereno na isama sa talakayin ang petisyon ni David.

Nabatid na una nang irekumenda ni Associate Justice Marvic Leonen na ilagay sa agenda ng special en banc session ang desisyon ng SET na nagsasabing natural-born Filipino si Senador Poe kaya marapat lang syang manatiling senador ng bansa.

Si Justice Leonen ang napiling ponente sa petisyon ni David matapos isagawa ang raffle.

Matatandaang kinuwestyon ni David ang pagkasenador ni Poe sa paniniwalang hindi natural-born Filipino ang senadora bagay na hindi kinatigan ng SET.

Dahil dito ay inakyat ni David sa Korte Suprema ang desisyon ng Tribunal sa paniwalang umabuso ang lupon sa kapangyarihan.

Noong December 8, sana ang huling regular session ng Supreme Court en banc subalit nagpatawag ng special session para talakayin at pagpasyahan ang usapin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng US at Pilipinas at ang petisyon kontra sa “no bio, no Boto ng Comelec.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.