12 patay sa pamamaril sa Virgina beach municipal center sa US

Ap photo

Umakyat na sa 12 ang patay sa pamamaril sa municipal center sa Virginia Beach samantalang maraming iba pa ang naiulat na sugatan sa Virginia sa US.

Sa paunang ulat ng mga otoridad, isang “disgruntled city employee” ang suspek sa krimen na makaraan ang pamamaril ay nagbaril rin sa kanyang sarili.

Sinabi ni Virginia Police Chief James Cervera na inaalam pa nila ang dahilan ng pagwawala ng lalaking suspek sa pamamaril.

Nangyari ang pagwawala ng suspek pasado Alas-kwatro ng hapon oras sa Virginia sa Building Two ng municipal center complex kung nag-oopisina ang kanilang public works and unilities department.

Sinabi ni Mayor Bobby Dyer na karamihan sa mga namatay ay empleyado rin sa nasabing municipal complex na kinabibilangan ng long-time employee sa lugar.

May mga ulat rin na dalawang pulis ang patay sa nasabing insidente.

Pansamantala muna hindi isinapubliko ang pangalan ng namatay na suspek habang angpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.

Inaalam rin ng mga pulis kung may kinaaanibang grupo ang suspek.

Read more...