Trapik, taas-presyo asahan sa pamimili ng school supplies ngayong weekend

By Len Montaño June 01, 2019 - 03:58 AM

Pinaghahanda ng pulisya ang publiko sa mabigat na daloy ng trapiko at maraming tao kasabay ng dagsa ng mga tao sa mga pamilihan para humabol sa pagbili ng school supplies bago ang pasukan sa mga pampublikong eskwelahan sa Lunes June 3.

Pinayuhan din ang mga mamimili na mag-ingat sa pamimili ng mga gamit sa eskwela, huwag makipag-usap sa hindi kakilala at huwag ng magsama ng bata.

Ayon kay Police Major Alden Panganiban, hepe ng Juan Luna Police Precinct sa Maynila, patuloy ang kanilang clearing operations sa mga harang sa mga kalsada na magpapalala ng trapik gaya na lang ng mga nagtitinda ng school supplies.

Samantala, asahan na rin ang taas presyo ng mga gamit sa eskwela kabilang ang papel at tela sa uniporme.

Hinimok ang mga mamimili na mamili ng wholesale o maramihan kaysa tingi para mas makatipid.

 

TAGS: papel, pasukan, school opening, school supplies, taas presyo, trapik, uniporme, wholesale, papel, pasukan, school opening, school supplies, taas presyo, trapik, uniporme, wholesale

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.