5 dayuhan na sangkot sa bentahan ng droga ipinarada ng Indonesian police

By Rhommel Balasbas June 01, 2019 - 03:42 AM

AP photo

Arestado ang isang Amerikano, dalawang Espanyol at dalawang Russian na sangkot sa pagbebenta ng cocaine sa Bali, Indonesia.

Ipinarada ng Indonesian police ang mga dayuhang drug suspect bago isalang sa isang press conference kahapon, araw ng Biyernes (May 31).

Ayon kay Denpasar police chief Ruddi Setiawan, naganap ang unang pag-aresto noong May 20 kung saan nahuli ang isang Russian man na nakikipagnegosasyon gamit ang telepono para magbenta ng cocaine.

Pawang mga turista rin ang target ng suspek.

Mahigpit ang drug laws sa Indonesia at dose-dosenang drug smugglers ang nasa death row sa kasalukuyan.

Huling nagbitay ang Indonesia ng drug suspects noong July 2016 kung saan pinatay sa pamamagitan ng firing squad ang isang Indonesian at tatlong banyaga.

 

 

TAGS: Amerikano, cocaine, dayuhan, Espanyol, firing squad, Indonesian police, parada, Russian, Amerikano, cocaine, dayuhan, Espanyol, firing squad, Indonesian police, parada, Russian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.