Lumipat si Jared Dillinger sa Barangay Ginebra matapos siyang maging free agent.
Tinapos ni Dillinger ang kanyang 6 na taong paglalaro sa Meralco Bolts kung saan siya tinaguriang “do it all wingman” na pwedeng maglaro pareho sa frontcourt at backcourt.
Pero ikinagulat naman ni Meralco coach Norman Black ang pag-alis ni Dillinger.
Ayon kay Black, mayroon silang “gentleman’s agreement” ni Dillinger nang ilagay ito sa listahan ng unrestricted free agent habang ito ay nagpapagaling sa kanyang injury.
Sinabihan anya nila ang player na kapag handa na ito ay magiging isa na naman ito sa main players ng koponan.
Pero lumipat si Dillinger sa Gin Kings nang hindi umano sinabihan ang Meralco sa kanyang desisyon, bagay na ikinadismaya ni Black at ng team.
Sa ngayon ay hindi pa ito agad makakapag-laro sa Ginebra dahil sa kanyang quad injury.
Una rito ay naglaro ang 6’4” na si Dillinger sa TNT kung saan kasama ito sa limang kampeonato ng team.
Hindi ito nagaya ni Dillinger sa kanyang paglipat sa Meralco pero natulungan niya ang Bolts na makaabot sa dalawang sunod na Governors’ Cup finals noong 2016 at 2017.