‘Simbang gabi dapat sa panalangin, hindi sa panliligaw’

 

Inquirer file photo

Ngayong malapit nang mag-simula ang Simbang Gabi, may paalala ang Jaro Cathedral Parish sa lahat ng mga dadalo ng misa lalo na sa mga kabataan.

Sa kanilang inilabas na newsletter, nilinaw ng nasabing parokya na ang Simbang Gabi ay dapat gunitain para sa pagsamba at hindi sa panliligaw.

Kadalasan kasing ginagawa ng mga kabataan na magpunta lamang sa Simbang Gabi para makasama ang mga kaibigan at minsan, pati na rin ang kanilang mga nililigawan o kaya ay mga kasintahan.

Kaya naman paalala ng parokya sa lahat na seryosohin ang pakay sa pagdalo sa mga misa ng Simbang Gabi dahil hindi ito dapat ginugunita lamang bilang tradisyon o dahil uso lang.

Bukod sa pagpapatibay ng samahan ng pamilya at magkakaibigan, ang pangunahing layon nito ay patibayin ang pananampalataya ng mga Katoliko.

Read more...